^

Metro

Manhunt sa kidnaper ng sanggol

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang man­hunt operation ang ikinasa ng Manila Police District (MPD) laban sa isang ‘baby kidnapper’ kasunod ng utos ni MPD Director Ro­berto Rongavilla .

Ayon kay Rongavilla, posibleng nasa Metro Manila lamang ang suspect na si Melogine Jarasa, alyas “Melon”, nasa 40-anyos, may taas na 5’1’’ hanggang 5’2’’ na tumangay sa 3-day old baby ni Marjorie Angoy Francisco, 37.

Matatandaang dumulog sa pulisya si Francisco noong Marso 24, 2011 makaraang maglaho ang suspect bitbit ang kanyang isinilang na beybi sa Ospital ng Sampaloc.

Dakong alas-5:00 ng hapon sa nabanggit na petsa nang ma-discharge na sa pagamutan ang ginang at habang dala ang sanggol ay nakiusap siya sa suspect na bigyan siya ng tubig bago tuluyang magbiyahe at nang kargahin umano ang sanggol ay pinilit siyang umihi muna.

Nang lumabas siya sa comfort room ng RCJ bus hindi na niya nakita ang beybi at suspect.

Dahil sa panlulumo, tinulungan siya ng mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na magsuplong sa MPD headquarters.

AYON

DAHIL

DIRECTOR RO

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MARJORIE ANGOY FRANCISCO

MELOGINE JARASA

METRO MANILA

RONGAVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with