^

Metro

P 150,000 reward vs killers ng lady brodkaster

- Nina Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat -

MANILA, Philippines - Aabot sa P150,000 reward ang inilaan sa sinu­mang makapagtuturo o makapagbibigay impormasyon sa killers ng lady broadcaster sa Ma­labon City kamakalawa ng umaga­.

Nabatid na magbibigay ng P100,000 si Malabon City Mayor Canuto Oreta habang P50,000 naman ang ibibigay ng National Press Club (NPC) at Al­yansa ng mga Filipinong Mamamahayag (AFIMA) para sa ikadarakip sa killer ni Marlina “Len” Flores-Somera ng DZME.

Matatandaan, na dakong alas-9:45 kamaka­lawa ng umaga nang barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ang biktima habang naglalakad malapit sa kanilang bahay sa Silonian St., Brgy. Maysilo ng nabanggit na lungsod.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela Gene­ral Hospital ang biktima na tinamaan sa batok na tumagos sa kaliwang mata.

Bukod sa pagiging anchorwoman sa radyo, presidente rin ng Silonian Neighborhood Association si Somera.

Samantala, isang sin­dikato na may koneksyon sa pang-aagaw ng lupa ang sinisilip na sangkot sa pagpaslang sa broadcaster.

Sinabi kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Rob­redo na base sa kanilang paunang pagsisiyasat isa umanong sindikato na sangkot sa pang-aagaw ng lupa ang nag-ooperate sa palibot ng CAMANAVA area ang posibleng may pakana sa pagpaslang.

Sinabi ni Robredo na base sa inisyal na imbestigasyon ang naturang grupo anya ang siyang nakikialam at nananakot sa mga asosasyon upang ma­angkin ang karampot na lupang nais nilang makamkam mula sa mga ito.

Kasunod nito, inamin ni Robredo na may task force na binuo ang kanyang tanggapan na magsisiyasat ng malaliman sa kaso ni Somera dahil hindi lamang basta simpleng problema ang ugat nito kundi nasa­sangkot din ang iba pang asosasyon na gumagalaw sa CAMANAVA area na maaring pinakikialaman din ng naturang sindikato.

Nilinaw pa ng Kalihim na lumalabas na walang kinalaman ang isyu ng pagiging mamamahayag ni Somera sa insidente kundi ang tungkulin nito bilang pangulo ng asosasyon sa kanilang lugar na lumalaban sa karapatan nila sa lupa.

Si Somera, 44, pa­ngulo ng Silonian Neighborhood Association (SNA) ay ti­namba­ngan ng dalawang armadong suspect habang naglalakad sa kahabaan ng Silonian St., Brgy. Maysilo Malabon City ganap na alas-9:45 Huwebes ng umaga.

BRGY

FILIPINONG MAMAMAHAYAG

MALABON CITY

MAYOR CANUTO ORETA

SHY

SILONIAN NEIGHBORHOOD ASSOCIATION

SILONIAN ST.

SOMERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with