^

Metro

Kelot binistay ng bala

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 40-anyos na lalake makaraang pagba­barilin ng tatlong armadong suspect sa may Brgy. Commonwealth sa lungsod Quezon kamakalawa. Nakilala ang nasawi na si Willie Matsura, ng Unit 4 Riverside, Brgy. Common­wealth sa lungsod.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ni Gagaza upang matukoy ang mga salarin. Nangyari ang insidente sa harap ng bahay ng biktima ganap na alas-8:30 ng gabi. Diumano, nakaupo ang biktima sa lugar nang biglang dumating ang mga suspect na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ito.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspect na pawang mga naglakad lamang papalayo sa lugar. Nagtamo ng mga tama sa tagiliran, likod at ulo ang biktima na siyang agad na ikinamatay nito.

 

BRGY

DIUMANO

GAGAZA

MATAPOS

NAGTAMO

NAKILALA

NANGYARI

PATAY

PATULOY

WILLIE MATSURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with