^

Metro

Laser gun gagamitin vs pasaway na drivers

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Gagamit ang Quezon City government ng speed laser gun, isang sophisticated speed enforcement tool na makakatulong sa pagdetermina ng paglabag sa trapiko ng mga motorista partikular­ ng mga sasakyang humahagibis sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa QC.

Sinabi ni QC -Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Elmo San Diego na napapanahon na para magkaroon ang QC ng sariling hi-tech equipment upang masukat ang bilis ng takbo­ ng mga sasakyan na dadaan sa mga pangunahing lan­sangan­ sa lungsod na madalas ang aksidente partikular sa Commonwealth Avenue na tinaguriang ‘killer highway’.

Ayon kay San Diego ang hakbang ay higit na magpapahusay sa pagpapatupad ng batas trapiko sa lungsod.

Sa no contact policy ipinatutupad ng MMDA sa Commonnwealth, ang mga pasaway na driver ay bibigyan ng notice ng mula sa tape na nai-record sa lansangan hinggil sa uri ng nilabag nitong batas trapiko, halaga ng multa ng ginawang kasalanan.

Kapag hindi nabayaran ang penalty, ang sinumang moto­rista ay tatanggap ng second notice at kapag hindi pa rin ito nabayaran ay ilalagay na sa alarma ng LTO ang pasaway na driver at hindi ito makakapag-renew ng lisensiya bukod sa hindi mairerehistro ang minamaneho nitong sasakyan.

AYON

COMMONNWEALTH

COMMONWEALTH AVENUE

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

ELMO SAN DIEGO

GAGAMIT

KAPAG

QUEZON CITY

SAN DIEGO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with