P43.6-M pekeng Rayban nasamsam ng NBI

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P43.6 milyong halaga ng pekeng Rayban ang nasabat ng mga tauhan ng NBI sa isinagawang mga pagsalakay sa mga establisimento sa Binondo, Maynila.

Kabilang sa mga sinalakay ng NBI ang R. Layumas General Merchandise at establisimento ni Robin Ong sa groundfloor ng New Divisoria Mall, Tabora St. at dalawang stockrooms na nasa Unit 5S-3, Fifth Floor, Juan Luna Plaza­, Juan Luna St. at 3/F, Vijinnah Shop General Merchandise­, No. 1034 Roman St., pawang nasa Binondo, Maynila.

Umabot umano sa 10,900 piraso ng mga pekeng Rayban­ sunglasses ang narekober ng mga ahente ng NBI na armado ng search warrant sa pagsalakay sa nasabing mga esta­blisimento.

Ayon sa NBI matagal na silang nakakatanggap ng impormasyon hinggil sa mga pekeng Rayban at matapos ang kumpirmasyon ay agad na isinagawa ang pagsalakay.

Show comments