^

Metro

Nanay ni Ivler umeksena uli sa korte

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Gumawa na naman ng ek­sena sa Quezon City court ang nanay ni road rage Jason Ivler na si Marlene Aguilar sa pagpapatuloy nang pagdinig sa kaso ng kanyang anak kahapon sa sala ni QC-RTC branch 219 Judge Bayani Vargas.

Nagsisisigaw at hinamon pa ni Aguilar si Judge Vargas na sila ay magsuntukan.

Sa pagkakataong ito, hu­mingi na lamang ng dispensa kay Judge Vargas ang kampo ni Ivler pero di ito tinanggap ng hukom at tuluyang pinalabas ng court room si Aguilar.

Ang pagwawala ni Aguilar ay nagsimula nang hindi pumayag ang panig ng prose­kusyon sa pangu­nguna ni Senior State Pro­secutor Anthony Fa­dullon sa kahilingan ng kampo ni Ivler na huwag na lamang itong dumalo sa mga pagdinig ng korte sa kaso dahil hindi naman anila ito kailangan at pabalik-balik lamang ito sa kanyang selda na maaaring makaapekto sa sugat.

Binigyang diin ni Fadullon na kailangan pa ring dumalo sa pagdinig ng korte­ si Ivler­ upang kilalanin si SPO2 Edgar Teodin na tetestigo sa kaso para sumailalim sa cross examination ng korte.

Nairita din si Fadullon sa inasal ni Aguilar at sinabi nitong kapag ganoon pa­lagi ang gagawin ng huli ay maaaring maantala ang hearing sa kaso.

Gayunman, pinagbig­yan na lamang ni Judge Vargas ang kahilingan ng kampo ni Ivler na hindi ito makapunta sa korte para manahimik na ang kampo ng huli at umusad na ang kaso.

vuukle comment

AGUILAR

ANTHONY FA

EDGAR TEODIN

FADULLON

IVLER

JASON IVLER

JUDGE BAYANI VARGAS

JUDGE VARGAS

MARLENE AGUILAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with