^

Metro

Lolo, binata kapwa nagbigti

- Ricky Tulipat, Mer Lay­son -

MANILA, Philippines - Isang 73-anyos na lolo, na may sakit sa lapay at isang binatang hiniwalayan ng gf ang kapwa nagpatiwakal sa magkahiwalay na lugar sa Marikina City at Quezon City.

Patay na si Jaime Labanon, residente ng Camacho 2, Brgy. Nangka, Marikina City nang matagpuan ng kanyang mga kaanak dakong alas-5:30 ng madaling-araw habang nakabigti gamit ang sintas ng sapatos.

Nabatid pa sa kaanak ng nasawi na madalas umano itong maglitanya na ayaw na nitong maging pabigat pa sa kanila dahil sa sakit nito sa lapay. Humingi pa umano ito ng dispensa sa kanila dahil nakakapagpabigat pa umano siya sa kanilang pamilya. Wala naman umanong suicide note na iniwan ang nasawi para sa pamilya.

Samantala, dahil sa hindi matanggap ang paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend, minarapat na isang 20-anyos na binata na tapusin ang kanyang buhay sa pama­magitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Aries Jordan Estrada, tubong Pangasinan, at residente sa Construction St., SSS Housing, North Fairview sa lungsod.

Huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang ka­sin­­tahang si Carissa, 18, 3rd year Nursing student sa Fatima ganap­ na alas-11 ng gabi ha­bang naglalakad pauwi sa bahay.

Sinasabing may isang linggo na umanong hindi nag-uusap ang magkasin­tahan ma­tapos magkatampuhan, subalit nang subukang mag-text ni Carissa ay hindi nag-reply ang biktima.

Diumano, madalas na nag­babanta ang nasawi na magpapakamatay sa tuwing mag-aaway sila ng kanyang kasintahan o kaya ay hindi sila nag-uusap nito.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.

ARIES JORDAN ESTRADA

BRGY

CAMACHO

CARISSA

CONSTRUCTION ST.

JAIME LABANON

MARIKINA CITY

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with