^

Metro

Lalaki hulog sa overpass, paglagpak, patay pa sa sagasa

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nahulog mula sa may taas na 14 na talampakan ng pedestrian overpass ang isang lalaki at pagbagsak sa kalye ay minalas pang masagasaan ng isang taxi na agad nitong ikinamatay sa lungsod Quezon.

Ayon kay SPO4 Apolonio Lumanlan ng Traffic­ Sector 4 ng Quezon City Police, ang biktima na walang nakuhang anumang pagkaka­kilanlan ay nasa gulang na 45-anyos, nakasuot ng puting t-shirt at kulay brown na shortpants ay nahulog mula sa pedestrian overpass sa P. Tuazon Blvd. sa lungsod.

Ayon kay Lumanlan, base sa kuwento ng isang saksi, bago ang insidente ay nakita umano ang biktima na naglalakad sa overpass sa lugar na parang balisa ganap na alas-7:30 ng gabi.

Sumunod nito ay huminto ang biktima saka lumiyad, hanggang sa tuluyang mapahiga at mahulog mula sa ibaba ng EDSA south-bound lane sa ilalim ng nasabing overpass partikular sa harap ng Samson College Sciences sa Cubao.

Kasalukuyan namang paparating ang isang taxi na minamaneho ng isang Ruben Sanchez, 39, at hindi na nagawang makaiwas at na­sagasaan ang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pu­lisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima.

vuukle comment

APOLONIO LUMANLAN

AYON

CUBAO

KASALUKUYAN

LUMANLAN

NAHULOG

QUEZON CITY POLICE

RUBEN SANCHEZ

SAMSON COLLEGE SCIENCES

TUAZON BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with