Binata dedo sa rambol

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata matapos mabaril nang nakasa­gupang kalabang fraternity sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawing biktima na si Henry Carpio, ng Crisostomo St., Sampaloc, Maynila at miyembro ng Istomo Youngsters Gang (IYG). Tinutugis naman ang kalabang grupo na Loyola and Marquitos Hood Gang (LMHG) na may 30 miyembro umano na nakasagupa ng grupo ng IYG at responsable sa pamamaril. Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang frat war sa pagitan ng dalawang grupo sa panulukan ng Florentino at Instruccion Sts., sa Sampaloc, Maynila. Nakaabang na umano sa lugar ang grupo ng biktima nang magdatingan ang pitong tricycle na kinalululanan ng mga suspect at doon nagsimulang magpaputok ang grupo ng LMHG at gumanti ang grupo ng biktima ng pambabato hanggang sa mauwi na rambulan.

Show comments