^

Metro

2 biktima ng salvage natagpuan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dalawang lalaking pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ang mga hindi nakikilalang biktima ay inilarawan lamang ng mga pulis na may edad na 25 hanggang 35-anyos, 5’4” ang taas, nakasuot ng six pocket na brown shorts at may silver wedding ring na may pangalang Grace, habang ang isa naman ay tinatayang nasa pagitan ng 35 hanggang 40, may taas na 5’6” at maliit ang katawan. Unang natagpuan ang isa sa biktima sa may Chico St., Brgy. 178, Camarin, habang ang ikalawa naman ay sa Atis St., Asconvill, Brgy. 185, Malaria ng nasabing lungsod. Kapwa­ nagtamo ang mga ito ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. May nakuhang karton sa katawan ng mga biktima kung saan nakasulat ang mga katagang “Huwag tularan holdaper waway” at “Huwag tularan akyat-bahay”.

vuukle comment

ASCONVILL

ATIS ST.

BRGY

CALOOCAN CITY

CHICO ST.

DALAWANG

HUWAG

KAPWA

UNANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with