^

Metro

LPG depot ng Petron station, nag-leak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naudlot ang nakatakdang final exam ng may 500 nursing­ students ng Family Clinic-Nursing­ School nang mag-leak ang LPG depot ng Petron gasoline station, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Dakong alas-11 ng umaga nang rumesponde at agad masawata ng mga tauhan ng Manila Fire Department ang nasabing insidente na posib­leng magdulot ng panganib sa kalusugan at pagmulan ng sunog.

Binomba ng tubig ang LPG leak sa kabuuang 50 feet sa paligid ng Petron gasoline station sa panulukan ng AH Lacson Avenue at Aragon St. sa Sampaloc.

Agad namang nilikas ang mga nasa loob ng katabing Family Clinic Incorporated Colleges at agad nang kinansela ang pasok at eksaminasyon.

Pansamantalang isinara sa motorista ang kalsada pa­tungong Quiapo dahil ma­aaring magdulot ng spark o pag­­sabog sa leak ng LPG ang umaandar na makina ng mga sasakyan.

ARAGON ST.

BINOMBA

DAKONG

FAMILY CLINIC INCORPORATED COLLEGES

FAMILY CLINIC-NURSING

LACSON AVENUE

MANILA FIRE DEPARTMENT

PETRON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with