Ex-pulis, 1 pa timbog sa droga

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawa katao kabilang ang isang dating pulis matapos makumpiska dito ang shabu at drug paraphernalia kamakalawa ng gabi sa Caloocan­ City.

Nakakulong ang mga suspect na sina  Gomer Mateo, 29, dating pulis at residente ng Imus Cavite at Sherman Lagmay,  28, ng Bayanan Muntinlupa City.

Base sa report ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang madakip ang mga suspect sa Bagong­ Silang Caloocan City.

Nagpapatrulya ang mga pulis sa naturang lugar nang  madaanan ang mga suspect na nakatambay sa madilim na bahagi ng naturang lugar.

Dahil dito, nilapitan ng mga pulis ang mga sus­pect­ subalit tinangkang tumakbo ng mga ito ngunit nasakote ang mga ito.

Nang kapkapan ng mga pulis ang mga suspect, nakuha sa mga ito ang iba’t ibang uri ng mga drug paraphernalia.

Show comments