^

Metro

Dalaga itinumba sa QC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na dalaga ang nasawi makaraang barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin, kama­kalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Liza Gattoc, tubong Campalanas Lazi , Siquijor sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanyang ulo mula sa isang kalibre 9mm.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen pasado alas-10:30 ng gabi sa may Area 5 Ext., Masaya St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Batay sa pahayag ng isang saksing si Minda Delfin, residente sa nasabing lugar nanonood umano siya ng TV noong panahong iyon nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril. Dahil dito mabilis umano siyang napatayo upang makiusyoso at nang buksan ang pintuan ay laking gulat niya ng makita ang isang babaeng duguan at nakabulagta sa tapat ng kanilang bahay.

Blangko pa rin ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek at motibo nito sa pamamaslang. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

vuukle comment

BATAY

BLANGKO

BRGY

CAMPALANAS LAZI

DAHIL

LIZA GATTOC

MASAYA ST.

MINDA DELFIN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with