Bagong laya, binoga

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang dating preso na kalalaya pa lamang buhat­ sa kulungan matapos itong barilin ng kanyang dating kaaway sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Diego Delara, 29, binata, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) at residente ng Sitio Gulayan, Barangay Concepcion ng nasabing lungsod.

Hinahanting naman ng pulisya ang suspek na si Ricardo Patola, welder, resi­dente ng nabanggit na lugar.

Dakong alas-8 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa Sitio Gulayan, Brgy. Concepcion Malabon City.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang makasalubong nito ang suspek na agad bumunot ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan si Delara saka mabilis na tumakas.

Nabatid na bagong laya ang biktima na hinanting ng kanyang dating kaaway.

Show comments