Presyo ng gasolina bababa, diesel tataas
MANILA, Philippines - Inaasahang bababa ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo, pero tataas naman ang presyo ng diesel.
Ito ay ipinahayag ng Energy Department (DOE), bagama’t wala pa namang abiso ang mga kompanya ng langis.
Ayon kay DOE Undersecretary Jose M. Layug, dahil aniya sa pagbaba umano ng presyo ng gasolina sa pangdaigdigang merkado, inaasahan ang rollback, ngunit hindi naman umano ito gaanong malaki.
Habang ang diesel ay patuloy naman umanong tataas dulot ng pagtaas sa demand ng fuel product.
Magugunita na nitong mga nagdaang linggo ay sunod sunod ang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.
Sa kasalukuyan ang presyo ng diesel ay naglalaro mula P44-45 kada litro habang ang gasolina naman ay nasa P54-55 kada litro.
- Latest
- Trending