^

Metro

Misis tumangging makipagbalikan, patay kay mister

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang misis makaraang pagsasaksakin siya ng kan­yang mister na ti­nanggihan ng una na makipagbalikan, kaha­pon ng madaling-araw sa Makati City.

Patay na nang ida­ting sa Ospital ng Ma­kati dahil sa dami ng tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Edna Lucagan, 47, ng Talisay St., Brgy. Co­membo habang agad namang naaresto ang mister nitong si Lidio Balser, 47.

Sa ulat ng Makati po­lice, isang buwan na umano nang makipaghiwalay si Lucagan sa suspect dahil sa madalas na pag-uwi nito ng lasing at pana­nakit sa babae. Ilang beses na umanong nakiusap ang biktima kay Balser na tigilan na ang bisyo para sa dalawa nilang anak ngunit hindi nakinig ang lalaki.

Dakong ala-1:50 ng madaling araw, nakarinig ang mga kapitbahay ng ginang nang paghingi nito ng tulong.

Nang kanilang silipin ang loob ng bahay ng mag-asawa nakita nila ang suspek na nasa ibabaw ng ginang at sunud-sunod na inuundayan ito ng saksak.

Isinara naman ng dalawang saksi ang gate ng naturang bahay upang hindi makatakas ang salarin at saka humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay ang isa sa kanila sanhi ng pagkakadakip kay Balser.

Nang isailalim sa imbestigasyon, sinabi ni Balser na nagdilim umano ang kanyang pa­ ningin nang tanggihan ng kanyang misis ang pakiusap niya na magbalikan sila kaya niya nagawang saksa­kin ito. Nakaditine nga­yon ang suspek sa Ma­kati detention cell at nahaharap sa kasong murder.

vuukle comment

BALSER

BRGY

DAKONG

EDNA LUCAGAN

LIDIO BALSER

MAKATI CITY

NANG

PATAY

SHY

TALISAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with