^

Metro

Lola, 3 apo patay sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi na nagawang maka­labas sa nagliliyab nilang bahay ang isang lola at tatlo nitong apo matapos ang may kalahating oras na sunog, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

 Nakilala ang mga nasawi na sina Lola Mira Sabio, 65, mga apo nitong sina Arianne Aquino, 12; Judy Perez, 13, at Andrea Marie Banquiles, 7-taong gulang.

Sa ulat ng Makati Fire Department, dakong alas-2:10 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa bahagi ng sala ng bahay ng mga biktima sa may Water Lily Street sa Brgy. Rizal, ng naturang lungsod.

Agad na rumesponde naman ang mga bumbero kung saan naapula ang apoy dakong alas-2:40 ng madaling- araw matapos na umakyat ito sa ikalawang alarma.

Nang pasukin ang natupok na bahay, natagpuan ang mga bangkay sa kanilang kuwarto at sa kusina kung saan po­sibleng tinangkang lumabas sa pamamagitan ng pinto sa likod ng bahay ngunit nabigo dahil sa naka-double lock ito.

Sinabi ni Makati fire marshall Samuel Tadeo na mistulang nakulong ang mga bik­tima sa sarili nilang bahay dahil sa mga bakal na grill ang mga bintana habang naka-double lock ang mga pinto.

Inaalam naman ng mga imbestigador ang ulat na nagmula ang apoy sa nag-overheat na electric fan na magdamag gamit ng pamilya sa pagtulog. Nabatid naman na mga apo ni Sabio ang mga kasamang nasawi sa iba’t iba nitong mga anak na pinatu­tulog nito sa kanyang bahay.

ANDREA MARIE BANQUILES

ARIANNE AQUINO

BAHAY

JUDY PEREZ

LOLA MIRA SABIO

MAKATI CITY

MAKATI FIRE DEPARTMENT

SAMUEL TADEO

WATER LILY STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with