Bomber ng RSM arestado

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga awtoridad ang isang bomb expert ng lokal na teroristang Rajah Solaiman Movement (RSM) na sangkot sa Awang Airport bombing sa Cotabato City noong 2003 at wanted sa International Police (INTERPOL ) sa raid sa pinagtataguan nito sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Ricardo Ayeras, 37, gumagamit ng mga alyas na Abdulkarim at Abdul­jkareem.

Si Ayeras ay nakatala rin bilang wanted sa International Police–UN Security Council Special Notice laban sa mga indibidwal na kasabwat o may alyansa sa international terrorist organization tulad ng Al Qaeda ni Osama bin Laden at ng Taliban.

Ang suspect ay nasakote sa Mandaluyong City Police bandang alas-11:05 ng gabi malapit sa Mandaluyong City Medical Center sa kahabaan ng Boni Avenue, Mandaluyong City. Kasabay nito ay nasilat ang planong pambobomba ng grupo ng suspect sa Metro Manila.

Show comments