^

Metro

Kelot inabangan, inutas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 35-anyos na machine operator ng dalawang kalalakihan habang ang una ay naglalakad pauwi ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Nasawi noon din ang biktimang si Arnold Flores, ng Brgy. Tinejeros ng nabanggit na siyudad sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa isang kalibre .45 baril. Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng mga suspek at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil dito.

Sa imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID), Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng gabi sa kahabaan M.H. Del Pilar St., Barangay, Tinejeros Malabon City habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar, bigla na lamang sumulpot sa harapan nito ang dalawang suspek na armado ng nabanggit na kalibre ng baril.

Pinagbabaril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang nasabing insidente.

vuukle comment

ARNOLD FLORES

BRGY

DEL PILAR ST.

INAALAM

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NASAWI

PINAGBABARIL

STATION INVESTIGATION DIVISION

TINEJEROS MALABON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with