^

Metro

"Humps" sa Maynila bawal

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpaalala si Manila City Engineer Armand Andres­ na mahigpit na ipi­­nagbabawal ang paglalagay ng mga “humps” sa kalsada sa Maynila bilang seguridad sa mga mo­torista.

Ayon kay Andres, may ipinatutupad na city or­di­nance ang lungsod na hindi maglagay ng mga humps sa anumang kalsada sa lungsod dahil nagiging sagabal ito sa mga responde sa mga emergency cases.

Sinabi ni Andres na ma­rami ang nagrereklamo sa mga humps dahil ito ang kadalasang nagiging sanhi ng mga aksidente.

Bagama’t para din sa se­guridad ng mga residente, sinabi ni Andres na hindi naman maaaring basta na lamang ipatupad ang paglalagay ng mga humps kung hindi aprubado ng city council.

Gayunman, aminado si Andres na may mga humps sa ilang lugar sa lungsod subalit hindi na lamang ito inaalis dahil wala namang nagrereklamo.

Samantala, sinabi naman ni Engr. Alex Mohammad ng MMDA na sinisimulan na nila ang paglilinis ng mga creek at ilog sa pakikipagtulungan ng City of Manila upang maiwasan ang anumang pagbabara at pag-apaw ng mga ito.

Aniya, delikado ang mga ito sa kalusugan ng mga residente na  naninirahan sa mga creek sa lungsod.

ALEX MOHAMMAD

ANDRES

ANIYA

AYON

BAGAMA

CITY OF MANILA

MANILA CITY ENGINEER ARMAND ANDRES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with