Bangkay lumutang sa fishpond
MANILA, Philippines - Patay na nang lumutang kahapon ng umaga ang isang trabahador ng isang fish pond makarang tangayin ng malakas na alon sa laot ng Laguna de Bay nitong nakaraang Huwebes sa Muntinlupa City.
Kinilala ng mga kaanak ang bangkay na si Fredelito Hermida, 45, naninirahan sa Purok 2, Brgy. Cupang, ng naturang lungsod.
Nabatid na lulan si Hermida ng bangkang de motor sa laot nang masiraan sila ng makina dakong ala-1 ng hapon.
Lumusong naman sa dagat ang biktima at sumisid upang alamin kung ano ang sira ng makina.
Ngunit makalipas ang 10-minuto na hindi pa lumulutang ang biktima ay tumalon na ang kaibigan nitong si Romeo Libosoda ngunit nabigo pa rin ito na makita ang una.
Dakong alas-6:45 naman ng umaga nang makita ang bangkay ng isang lalaki na palutang-lutang sa baybayin ng dagat na nakilalang si Hermida.
- Latest
- Trending