^

Metro

Guro lasog sa SUV

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang guro matapos na mabundol ng isang SUV habang papa­tawid sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO4 Nelson Apostol ng traffic sector 5 nakilala ang biktima sa nakuhang identification card na inisyu ng Department of Education division of city schools na si Amy F. Hibo, 59, guro sa Masbate Elementary School.

Kusang sumuko naman sa tanggapan ng MMDA malapit sa Sandiganbayan si Henry Samonte, 27, estudyante sa Far Eastern University at driver ng Mitsubishi Adventure na may plakang WFH-851.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa may panulukan ng Commonwealth Ave. at Wins­tons St., East Fairview sa lungsod ganap na alas- 6:45 ng umaga.

Tinatahak ng sasak­yang minamaneho ni Samonte ang southbound ng Commonwealth avenue ng naturang lugar nang biglang mabundol nito ang bik­tima na papatawid.

Hindi umano napansin ni Samonte ang biktima dahil natatakpan umano ito ng nakahintong bus sa harapan na nagbababa at nagsasakay ng pasahero.

Nabatid na nagbakas­yon lang sa Maynila ang biktima galing Masbate para magpa-check up sa Philippine Hearth Center kung saan naman ito nadisgrasya.

Ang biktima ay nasa pa­ngangalaga ngayon ng Prime Funeral parlor, habang iniimbestigahan naman sa naturang himpilan si Samonte para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

vuukle comment

AMY F

COMMONWEALTH AVE

DEPARTMENT OF EDUCATION

EAST FAIRVIEW

FAR EASTERN UNIVERSITY

HENRY SAMONTE

MASBATE ELEMENTARY SCHOOL

MITSUBISHI ADVENTURE

SAMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with