^

Metro

Human organ trafficking tinututukan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tinututukan ngayon ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang kaso ng pagsalakay ng mga sindi­kato ng “human organ trafficking” at sunud-sunod na pagdukot sa mga paslit ng mga naka-bonnet na kalalakihan.

Ayon kay Mayor Sherwin Gatchalian inamin nito na na­katanggap na sila ng maraming ulat sa telepono, text messages, at ma­ging sa internet sa “email, Facebook at Twitter” at maging sa media ukol sa pagdukot sa mga bata na pinapaslang at tinatanggalan ng lamang-loob na ibinibenta ng sindikato sa malaking halaga.

Ito umano ang nagbunsod sa kanila na paimbestigahan ang isyu kung saan pinakilos ang mga tauhan ng city hall, Valenzuela City Police, Liga ng mga Barangay at Division of City Schools. 

Isinailalim sa imbestigasyon ang mga barangay, paaralan, pulisya, at ma­ging mga punerarya kung saan wala umanong basehan ang ulat ng “human organ trafficking” dahil sa walang sapat na ebidensya at posibleng produkto lamang ng malikot na imahinasyon at pagkakalat ng maling impormasyon.

Ngunit sa kabila nito, may ilang ulat na nailabas sa telebisyon na anim na paslit ang nakarekord sa Valenzuela City Police na nakaligtas sa tangkang pagdukot ng mga lalaking sakay ng isang van at nakasuot ng bonnet. 

Sinabi naman ni Sr. Supt. Eric Reyes, hepe ng Valenzuela Police, na ipinag-utos na niya sa kaniyang mga tauhan na ispatan at inspeksyuning mabuti ang mga sasakyan na puro mga lalaki ang lulan upang maberepika ang naturang ulat.

Hinikayat naman ni Gatchalian ang mga re­sidente na sa halip na ipagkalat ang balita, ma­a­aring direktang iulat ang kanilang nalalaman sa Va­lenzuela Police sa mga te­­le­pono: (02) 986-6627; Special Pro­jects Team (02) 352-4000 o sa Valenzuela Public Information Office (02) 292-9168, 352-1000 local 1822 at 1921.  

DIVISION OF CITY SCHOOLS

ERIC REYES

GATCHALIAN

MAYOR SHER

SHY

SPECIAL PRO

SR. SUPT

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with