Summer job sa mga estudyante sa Navotas
MANILA, Philippines - Upang magkaroon ng pagkakakitaan ngayong bakasyon, bibigyan ng trabaho ng pamahalaang lokal ng Navotas ang mga mahihirap na estudyante bilang bahagi ng programa ng Special Program for the Employment of the Students (SPES) ng nabanggit na siyudad.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, aabot sa 160 kabataang estudyante ang mabibiyayaan ng naturang programa na layuning mabigyan ng pagkakakitaan ngayong bakasyon ang mahihirap na mag-aaral.
Magsisimula ang programa sa April 5 ng taong kasalukuyan kung saan ay dalawang buwang magtatrabaho ang mga estudyante sa iba’t ibang departamento ng city government kabilang na rito ang pagiging clerk, encoders, liaison officers, aides at iba pa.
Makakatanggap ng minimum salary pay ang mga estudyante kung saan ang 40% dito ay magmumula sa Department of Labor and Employment (DOLE) habang ang natitirang 60% naman ay manggagaling sa lokal na pamahalaan.
“This program aims to instill in the minds of our young Navoteños the importance and value of hard work and to make use of their vacation constructively. We see to it that only the most needy and qualified will be accepted in the program,” saad pa ni Tiangco.
- Latest
- Trending