^

Metro

2 holdaper utas sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang riding in tandem makaraang ma­kipagpalitan ng putok ng baril sa mga awtoridad na humahabol sa kanila makaraang mang­holdap sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ang isa sa nasawi na nasa edad na 30-35, 5’3’’ ang taas, may katabaan, nakasuot ng dilaw na t-shirt at maong pants, tsinelas at may tattoo ng ‘tribal’ sa itaas na bahagi ng likod at ‘Enan’ naman sa dakong ibaba ng likod.

Halos pareho ang edad ng ikalawa sa una, may taas na 5’4’’, kayumanggi, balingkinitan, nakasuot ng itim na t-shirt at sando na green (panloob) at puti ang short pants, naka-tsinelas din at may tattoo sa kanang dibdib ng “ALONA BANAL”, sa kaliwang balikat naman ay tattoo na “CHAKA” ha­bang may “Rey Morales Commando” sa kaliwang bahagi ng likod.

Dakong alas-3 ng madaling-araw nang ma­uwi sa engkwentro ang mahabang habulan sa pagitan ng mga pulis at dalawang suspect sa kahabaan ng Andalucia St. hanggang sa mabaril sila pagsapit sa J. Barlin at P. Campa Sts., Sampaloc, Maynila.

Positibo namang iti­nuro ng biktimang si Maureen Ramos ang mga suspect, na katunayan ay narekober pa sa mga ito ang kanyang bag.

Nag-aabang umano ang biktima ng dyip sa España St. nang biglang tabihan ng riding in tandem na mga suspect saka inagaw ang kanyang bag at mabilis na humarurot at tumakas.

Agad namang nakapagsumbong ang biktima sa nagpapatrulyang tauhan ng MPD-Station 4 Anti-Crime Unit at hinabol ang mga suspect na dito na nagsimula ang shootout hanggang sa tuluyang bumulagta ang mga suspect.

ANDALUCIA ST.

ANTI-CRIME UNIT

BARLIN

CAMPA STS

DAKONG

MAUREEN RAMOS

MAYNILA

REY MORALES COMMANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with