^

Metro

Parak, 2 pa tiklo sa kotong

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dinakip sa akto ng pa­ngongotong sa delivery tru­ck ang isang miyembro ng Manila Police District (MPD) at dalawang sibilyan na kanyang kasabwat, kamakalawa ng gabi sa Quirino Avenue Extension, Ermita, Maynila.

Sa ulat ni C/Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MPD-City Hall Detachment at General Assignment Section, ipinagharap nila ng kasong robbery extortion at paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Cor­ruption Practices Act) ang suspect na si PO2 Exequiel Samin, 36, residente ng Samson Road, Caloocan City.

Arestado rin ang kanyang mga kasabwat at sinasabing ‘striker’ na sina Gil Aida, 33, tricycle driver at residente ng Paco, Maynila; at Jimmy Galocter, 36.

Bukod sa robbery extortion, kinasuhan din ang dalawa ng illegal possession of deadly weapons makaraang makum­piskahan ng mga balisong.

Ang pagdakip ay bunsod ng reklamong idinulog kay Reyes ni Andy Mijora Margote sa madalas umanong pangongotong ng grupo ni Samin sa mga dumaraang delivery truck sa lugar ng P100 kada truck.

Kaagad naman na nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya kung saan pinara ni Samin ang delivery truck na ipinain.

Nang hindi magbigay ang nagpanggap na delivery truck na driver ay pinagbantaan pang kukumpiskahin ang lisensiya kaya nang abutan sila ng P100 na tig-P20 bills ay dinakip si Samin at mga striker at nagsilapit na rin ang mga ipinosteng pulis na nagdala sa presinto sa mga suspect.

ANDY MIJORA MARGOTE

ANTI-GRAFT AND COR

CALOOCAN CITY

CITY HALL DETACHMENT

EXEQUIEL SAMIN

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

GIL AIDA

JIMMY GALOCTER

MANILA POLICE DISTRICT

SAMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with