^

Metro

5 dumukot sa dalagita, timbog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Arestado ng mga tauhan ng Pateros police ang limang lalaki na itinuturong dumukot sa isang 13-anyos na dalagita na nasagip ng pulisya sa Pandacan, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nahaharap ngayon sa mga kasong abduction at qualified seduction ang mga suspek na nakilalang sina Jhoner Catabay, 20; John Michael Misoles, 18; Emil Rafanan, 21; Aquilino Requilla, Jr., 25, kapwa residente ng Brgy. Sta. Ana sa bayan ng Pateros at isang 16-anyos na binatilyo.

Sa ulat ng Pateros police, tinangay umano ng mga suspek sa pangunguna ni Catabay ang biktima sa paglabas nito sa paaralan dakong alas-5:30 ng hapon. Nag-alala naman ang mga magulang ng biktima kaya kanilang pinagtanung-tanong ito sa mga kaibigan kung saan nalaman na sumama ito kay Catabay na umano’y kasintahan ng dalagita.

Pinuntahan naman ng mga ito ang bahay ni Catabay sa may no. 1171 P. Rosales Street, Sta. Ana, Pateros ngunit pinagbantaan sila nito at ng pamilya nito kaya napilitang humingi na ng tulong sa pulisya. Dito naman itinakas na ni Catabay ang biktima.

Unang nadakip sa operasyon ang mga kasamahan ni Catabay na sina Misoles at ang menor-de-edad na barkada na hindi pinangalanan ng pulisya. Sumunod na naaresto sa follow-up operation sa Pandacan, Maynila si Catabay at ang mga kasamahan na sina Rafanan at Requilla kung saan nasagip rin ang biktima.

Nakatakda namang isailalim sa medico legal examination ang biktima upang mabatid kung may pag-abusong sekswal na ginawa ang mga suspek upang masampahan ng dagdag na kasong statutory rape.

vuukle comment

AQUILINO REQUILLA

CATABAY

EMIL RAFANAN

JHONER CATABAY

JOHN MICHAEL MISOLES

MAYNILA

PANDACAN

PATEROS

ROSALES STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with