^

Metro

LPG tataas din

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Habang iniinda pa ang pagtaas sa presyo ng petrolyo, isang pasakit pa ang nakaamba ngayon makaraang ihayag ng partylist group na Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) ang na­ka­takdang pagtataas sa presy­o ng cooking gas ngayong buwan.

Sinabi ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty na maaaring uma­bot sa P1 kada kilo o P11 kada 11-kilong tangke ang ita­taas ng grupo na binubuo ng iba’t ibang dealers ng LPG.

Ikinatwiran ni Ty ang pa­tuloy na kaguluhan sa internas­yunal na merkado kung saan naapektuhan na rin ang ina­angkat nilang suplay. Kasalukuyang may average na P620 kada 11 kilong tangke ang presyo ngayon ng LPG.

Samantala, nanawagan naman­ ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga lokal na pamahalaan na tumulong naman para ma­tiyak na hindi aabuso ang mga negos­yante at retailer sa pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kani-kanilang nasasakupang lugar.

ARNEL TY

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

HABANG

IKINATWIRAN

KASALUKUYANG

LIQUEFIED PETROLEUM GAS MARKETER

SAMANTALA

SHY

SINABI

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with