^

Metro

Bebot hulog mula 18th floor, buhay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nailigtas sa tiyak na ka­ma­tayan ng binagsakang swimming pool ang isang babae makaraang malaglag ito buhat sa ika-18 palapag ng isang condominium, kahapon ng umaga sa Makati City.

Patuloy na inoobserbahan ang kondisyon sa Makati Medical Center ang biktimang inisyal na nakilalang si Ildelyn Montono, 20.

Sa paunang ulat ng Makati police, naganap ang insidente pasado alas-10 kahapon ng umaga sa Paseo Park View Condominium na nasa panulukan ng Valero at Cedeno Sts. sa Makati.

Ayon sa pulisya, biglang nalaglag buhat sa ika-18 palapag ng gusali ang biktima at dumire-diretso sa ika-7 palapag na nagsisilbing maliit na leisure park ng condominium. Masuwerteng sa swimming pool bumagsak ang biktima kaya nabawasan ang “impact” o lakas ng kanyang pagkakabagsak.

Sinabi ng pamunuan ng gusali sa pulisya, na hindi umano nila tenant si Montono at isang bisita lamang. Hindi pa naman nagpapalabas ng ibang impormasyon ang pulisya bago maganap ang pagkalaglag ng biktima dahil sa isinasailalim pa umano nila sa masusing imbestigasyon.

Maituturing umano na masuwerte pa rin ang biktima dahil sa nailigtas pa ito ng tubig sa swimming pool dahil kung sa semento ito bumagsak ay magiging tiyak ang kanyang kamatayan.

AYON

CEDENO STS

ILDELYN MONTONO

MAITUTURING

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MASUWERTENG

MONTONO

PASEO PARK VIEW CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with