^

Metro

Motorsiklo sinalpok ng bus: 1 patay, 1 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang rider ang patay habang sugatan naman ang angkas nito matapos na su­malpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon kahapon.

Ang biktima na nahirapan pa bago matanggal sa pagka­kaipit sa gulong ng bus ay na­kilala sa pamamagitan ng identification card na si Rizalino Pedroso, 49, ng Ocampo St., Pook Amorsolo, UP Diliman, sa lungsod.

Habang ang angkas nitong wala pang pagkakakilanlan ay ginagamot naman sa East Avenue Medical Center.

Agad namang tumakas ang driver ng nakabanggang bus matapos ang insidente.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nangyari ang insi­dente sa may Commonwealth Avenue, panulukan ng University Avenue, east-bound lane ganap na alas-3:20 ng hapon.

Binabagtas ng Jayross Bus (TXW-606) na may biyaheng Fairview-Litex galing Philcoa ang nasabing lugar nang big­lang salpukin nito ang motor­siklo ng mga biktima.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay pumailalim sa gulong ang motorsiklo maging ang biktima, sanhi para magtamo ng labis na pinsala sa katawan ang mga ito.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng Traffic Sector 5 sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BINABAGTAS

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JAYROSS BUS

OCAMPO ST.

POOK AMORSOLO

RIZALINO PEDROSO

TRAFFIC SECTOR

UNIVERSITY AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with