^

Metro

Women empowerment programs, palalakasin ni Joy B

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Palalakasin ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang karapatan ng mga kababaihan at iba pang women empower­ment programs para higit na maprotektahan ang kanilang kapakanan sa komunidad na kanilang ginagalawan.

Ito ay sinabi ni Belmonte bilang leading advocate ng gender­ equality sa lungsod kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan ngayong Marso.

Kinilala naman ni QC Mayor Herbert Bautista ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtulong na maitaguyod ang mga programa at development programs sa lungsod para sa kapakanan ng mga taga-QC.

Kaugnay nito, sinabi ni Belmonte na siya ay natutuwa dahil sa ang pamahalaang lokal ay tahasang nahihimok ang mga kababaihan para makiisa sa pagpapaunlad ng lungsod.

Umaasa rin si Belmonte na ang hakbang ng QC govern­ment sa pagkilala sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa komunidad ang siyang magiging daan upang magampanan nila ang tungkuling maresolba ang mga problema tulad­ ng pagtaas ng gender-related violence at maengganyo pa ang mga ito na higit na maging productive na mama­mayan.

vuukle comment

BELMONTE

KAUGNAY

KINILALA

MARSO

MAYOR HERBERT BAUTISTA

PALALAKASIN

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

UMAASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with