^

Metro

Pinagbubuntis gustong ipa-abort: Coed binoga ng nobyo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kapwa kritikal matapos magtamo ng bala ng baril sa mukha ang magkasintahang kapwa 17-anyos matapos na unang barilin ng lalaki ang nobya at pagkatapos ay nagbaril din sa sarili makaraang magtalo sa loob mismo ng isang unibersidad kahapon ng umaga sa Maynila.

Sinasabing buntis ng 2-buwan ang nobyang iti­nago sa pangalang Jenny, 1st year Political Science student, residente ng Kagi­tingan St., Tondo, Maynila at ang nobyo naman na itinago sa pangalang Danny na anak ng isang pulis-Maynila ay sinasabing may suicidal tendency dahil sa umano’y apat na beses nang nagtangkang magpakamatay.

Sa ulat ni C/Insp. Marcelo Reyes, MPD-General Assignment Section at Manila City Hall Detachment, dakong alas-11:45 ng umaga­ nang maganap ang insidente sa Unibersidad de Manila sa Lawton, Ermita.

Habang isinusulat ang balitang ito, nilalapatan pa ng lunas sa Manila Doctor’s Hospital si Jenny na nagtamo ng bala sa kanang bahagi ng nostril, habang sa PGH naman isinasalba si Danny na nagtamo ng bala sa sentido.

Sa pahayag ng mga nakasaksing kaklase, naghihintay sila sa pagdating ng kanilang professor nang biglang duma­ting si Danny­ at nagtalo ang dalawa bago binaril sa mukha ang nobya­.

“Nag-usap po silang da­lawa tapos bigla silang nagtalo hanggang sa nagalit na ’yong lalaki ,” ayon sa isang saksing kaklase.

Ikinagalit umano ni Danny­ ang plano ng nobya na magpalaglag ng nasa sinapupunan subalit ayaw pumayag ng nobyo na nauwi sa away.

“Gusto po kasi ni Jenny na ipalaglag yong pinagbubuntis niya pero ayaw po ni Danny kaya nagalit po siya at binaril si Jenny sa mukha,” anang isa pang saksi.

Nang mabaril ay mabilis umanong tumakbo palabas si Danny dala ang kalibre .38 baril at saka nagbaril sa sentido na tagusan umano ang bala.

Dahil sa madugong insi­dente, pinauwi na lamang ang mga estudyante at tuluyan nang sinuspinde ang klase sa buong eskwelahan.

DAHIL

DANNY

ERMITA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MANILA CITY HALL DETACHMENT

MANILA DOCTOR

MARCELO REYES

MAYNILA

POLITICAL SCIENCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with