^

Metro

3-anyos hinostage ng ama

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Hinostage ng kaniyang lasing na tatay ang isang tatlong taong gulang na batang babae sa Mandaluyong City kahapon ng umaga, matapos umanong mag-away ang suspek at live-in partner nito dahil sa selos.

Nasa maayos ng kondisyon nang mailigtas ang bata na itinago sa pangalang baby Kris at sumuko rin matapos ang isang oras na hostages drama ang suspek na si Mark Alumino, 28.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na na­ganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa loob ng kanilang tahanan, matapos umanong magkaroon nang pagtatalo ang suspek at ang live-in partner nito.

Sinasabing nagseselos ang lasing na sus­pek sa kanyang live-in partner kaya’t nagkaroon nang mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Sa gitna ng away ay nagbanta umano ang babae na lalayas na lamang kaya nagawang i-hostage ni Mark ang kanilang sariling anak gamit ang isang patalim.

Nagawa namang pakiusapan ni Barangay Chairman Rodolfo Posadas at mga tauhan ng Mandaluyong pulis ang suspek na huwag saktan ang bata at sumuko ng maayos.

Desidido naman ang babae na ipakulong muna si Mark para umano magbago dahil parati rin siyang sinasaktan tuwing nagseselos at nalalasing ito.

vuukle comment

BABAE

BARANGAY CHAIRMAN RODOLFO POSADAS

DESIDIDO

HINOSTAGE

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MARK ALUMINO

NAGAWA

SINASABING

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with