^

Metro

Binata tumalon sa ilog, lunod

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bangkay na nang lumutang kahapon ang isang binata na tumalon sa ilog Pasig may dalawang araw na ang nakakaraan matapos ang “lover’s quarrel” sa pagitan nito at ng kaniyang nobya sa Pasig City.

Lumobo na, at malapit nang maagnas, ang bangkay ng biktimang si Mark Roldan, 20, resi­dente ng Sitio Kumunoy, San Miguel, Pasig City, nang matagpuan itong palutang-lutang­ sa ilog ng ilang mga mangingisda kahapon ng umaga.

Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-11 ng gabi noong Pebrero 28 pa nang tumalon sa ilog ang biktima, matapos na magkaroon ng pagtatalo sa pagitan nito at ng nobyang si ‘Baby.’

Batay sa mga nakalap na impormasyon ni Ignacio, matindi umano ang naging pag-aaway ng dalawa kaya’t nagpunta sa tulay ang biktima at tumalon sa ilog.

Wala namang naghanap sa biktima dahil walang nakakaalam sa ginawa nito. Ina­kala pa umano ng mga magulang nito na nasa kanyang nobya ang anak kaya’t hindi umuuwi ng bahay.

Nagulat na lang ang lahat nang lumutang na ang bangkay ng biktima sa ilog.

Sinasabing natuklasan lamang na kusang tumalon sa ilog ang biktima matapos na makuhanan ng closed-circuit television (CCTV) ang insi­dente. Natagpuan rin sa lugar ang sapatos at t-shirt na hinubad ng binata, bago ito tumalon sa ilog.

BANGKAY

BATAY

IGNACIO

ILOG

INA

LUMITAW

MARK ROLDAN

PASIG CITY

SAN MIGUEL

SITIO KUMUNOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with