^

Metro

Parak, 1 pa patay sa riding-in-tandem

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis at isa pang kasamahan nito makaraang ratratin ng bala ng isa sa dalawang salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Isinugod pa sa Taguig-Pateros District Hospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay si SPO2 Eduardo Maninang, nakatalaga sa District Public Safety Battalion ng Southern Police District (SPD), ng Middle Street, Brgy. Central Signal, Taguig habang dead-on-the-spot ang kasamahan nitong si Modesto Bantola, 45, ng Miranda St., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig police, naganap ang pama­maslang dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Luzon Street, Brgy. Central Signal Village. 

Nabatid na kapwa nakatayo ang dalawang biktima sa naturang lugar nang lapitan ng gunman na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Sunud-sunod na pinaulanan ng bala ng gunman ang dalawang biktima bago mabilis na tumakas nang kapwa duguang malugmok ang mga target. Nabatid na sumakay ang gunman sa naghihintay na motorsiklo at pinaharurot ito ng driver sa kanilang pagtakas.

Sa imbestigasyon, may hinala ang pulisya na maaaring nadamay lamang ang pulis sa pamamaslang kung saan maaaring ang target talaga ay si Bantola na siyang inunang barilin ng gunman.

Ipinag-utos na ni SPD Director Chief Supt. Jose Arne delos Santos ang masusing imbestigasyon sa krimen at pagtugis sa mga salarin.

BRGY

CENTRAL SIGNAL

CENTRAL SIGNAL VILLAGE

DIRECTOR CHIEF SUPT

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATTALION

EDUARDO MANINANG

JOSE ARNE

LUZON STREET

MIDDLE STREET

MIRANDA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with