Stude hindi makaka-graduate, nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi makaka­sama sa graduation, nag­paka­matay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang grad­uating student ng Fatima University kahapon ng umaga­ sa Malabon City.

Patay na nang matagpuan si Calvin Leyco, 21, 4th year college ng kursong Hotel and Res­taurant Management sa Fatima University at nanunuluyan sa C. Santan St., Brgy. Potrero ng lungsod.

Sa report ng Malabon City Police, dakong alas-9 ng umaga nang makitang nakabigti ng kumot ang biktima sa kuwarto nito ng kanyang tiyahin.       

Nabatid sa mga kaanak ng biktima na nakarating na sa mga magulang ni Leyco sa probinsiya na hindi ito makakasama sa mga makaka-graduate ngayong taon, na naging dahilan upang ma­­lungkot ang binata.

Samantala, labis na kalungkutan naman ang dahilan upang magbigti rin ang isang 30-anyos na tricycle driver, makaraan ang isang linggong pagkakahiwalay sa live-in partner sa Sta. Ana, Maynila.

Nadiskubre ang naka­biting katawan ng biktimang si Anthony Mer Parina, ng kanyang inang si Mercelita sa loob ng kuwarto nito sa   Francisco St., Sta. Ana, Maynila dakong alas-3 ng hapon kamakalawa.

Sinabi ni Aling Mercelita na naging malulungkutin at nag-iiinom ang anak makaraang iwanan ng live-in partner nito na hindi na binanggit ang pangalan. (Dagdag ulat ni Ludy Bermudo)

Show comments