Pedicab driver utas sa adik
MANILA, Philippines - Isang pedicab driver na namamasada lamang ang iniulat na napaslang matapos mapagtripang saksakin ng isang sugapa sa bawal na droga sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Rene Boy Bantiles, 25, ng # 2641 Villaruel Street, Brgy. Bangkal, Makati City.
Agad namang tumakas at pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Louie.
Sa police report, naganap ang krimen dakong ala-una ng madaling-araw sa kahabaan ng C. Jose extension, Malibay, Pasay City kung saan namamasada ang biktima nang makasalubong at saksakin ng suspek na sinasabing nasa impluwensya ng bawal na droga.
Ayon sa imbestigasyon, kilalang siga sa kanilang barangay ang suspek lalo na kapag nasa impluwensya ng droga.
- Latest
- Trending