^

Metro

Kelot binoga sa leeg, todas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bumulaga sa mga estudyante ang naghihingalo at may tama ng bala sa leeg na isang 22-anyos na lalaki sa bisinidad ng San Miguel, Maynila, kamakalawa ng gabi.Nataranta ang mga estudyante at agad na ini-report kay Chairman Roel Floro ng Barangay 646, Zone 67, ang natuklasan kaya naisugod sa Ospital ng Maynila si Tatex Kansi ng Barangay Tugal, Talitay, Maguindanao, subalit idineklarang patay.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7 ng gabi nang makita ng mga estudyante ang nakabulagtang biktima na naghahabol ng hininga, sa tapat ng Geronimo Santiago Elementary School sa  Nepomuceno Street.

Nakilala lamang ang biktima nang makuha sa kaniyang katawan ang driver’s license  at walang nakakakilala sa kaniya sa lugar.

Tikom din ang bibig ng mga residente kaugnay sa pangyayari kaya mahihirapan ang imbestigador na makakuha ng lead sa motibo.

Posibleng may malalim na dahilan kung bakit ang isang taga- Maguindanao  ay pinaslang sa Maynila. 

vuukle comment

ALONZO LAYUGAN

BARANGAY TUGAL

CHAIRMAN ROEL FLORO

GERONIMO SANTIAGO ELEMENTARY SCHOOL

MAGUINDANAO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NEPOMUCENO STREET

SAN MIGUEL

TATEX KANSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with