^

Metro

3 Tsinoy huli sa shabu lab

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Tatlong Chinese national kabilang ang isang babae ang naaresto matapos madiskubre ang mini-shabu laboratory sa kanilang inuupahang apartment sa Caloocan City  kama­kalawa.

Kinilala ang mga suspect na sina Cai Lian Quiao, 38; Wang Xiao Yan, 22; Cai Hong Xuan, 30, naninirahan sa Asuncion St., Morning Breeze Subdivision ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa pulisya, alas-3:30 kamakalawa ng ha­pon nang maghahain ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency para sa isang Jimmy Chua, na nakatira sa nabanggit na lugar, subalit nang makita ito ng tatlo ay agad na nagsitakbo.

Dahil dito, hinabol ng mga awtoridad ang tatlo at nang madakip ay hinalughog ang bahay at nadiskubre na gi­na­­wang mini-shabu lab ang isang silid dito.

Nakumpiska  ang 200 gramo ng shabu, maliit na burner at ilang chemicals sa paggawa ng shabu. Umaabot din sa 15 plastic  sachet pa ng shabu ang nakum­piska mula  sa nakaparadang sasak­yan ng mga suspect na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.   

vuukle comment

ASUNCION ST.

CAI HONG

CAI LIAN QUIAO

CALOOCAN CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JIMMY CHUA

MORNING BREEZE SUBDIVISION

SHY

TATLONG CHINESE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with