Ginang tumungga ng silver cleaner

MANILA, Philippines - Nagpatiwakal sa pama­ magitan ng pag-inom ng silver cleaner ang isang ginang ma­tapos iwan ang kanyang anak, na nakaconfine sa Ospital ng Sampaloc, kamaka­lawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Sec­ tion, nakiusap ang pamilya ng biktimang si Hyacinth Hermoso, ng no. 559 Vicente G.Cruz St. Sampaloc, Maynila na huwag nang imbestigahan pa ang kaso.

Nabatid na ang bayaw ng biktima ang nakadiskubreng wala na itong buhay.

Nabatid mula kay PO3 Mario Asilo na ibinilin lamang ng biktima ang anak na may pneumonia sa bantay ng ibang pasyente ng nasabing pagamutan at umuwi ito ng bahay dahil wala umanong panggastos.

Hindi naman nabanggit kung nasaan ang mister ng biktima nang isagawa nito ang pagpapakamatay.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Archangel Funeral Homes para sa awtopsiya. 

Show comments