^

Metro

5 sekyu timbog sa payroll robbery

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Limang security guards na hinihinalang miyembro ng “Waray-Waray Gang” kabilang ang officer in charge ng security personnel ng isang bangko ang nai-turn over ng Manila Police District-Station 11 sa MPD-Theft and Robbery Section na pawang res­ponsable sa panghoholdap ng P1-milyong payroll money ng isang manpower agency, sa Binondo, Maynila, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ang mga sus­pect na sina Jerry Moldes,  30, ng Lordeun, Southern, Leyte; Elmer Amusco, 21, ng Jaboneros St. Binondo Manila; Noel Germinio, 36, at Rexer Po­maregos, 28, mga tubong Samar at kap­wa  re­sidente ng no. 301 Quintia Ext., Sta Mesa, Manila; Ronnel Desolong, 25, tubong Samar at residente ng no. 999 Ylana St., Tondo, Manila. 

Sa reklamo ng biktimang si Gina C. Lamanilao, clerk ng JRS Management Cen­ter, sa no. 905 Sabino Padilla St., Binondo, P1-mil­yon ang naholdap sa kanya ng limang suspect matapos siyang mag-withdraw sa Metro Bank sa China Plaza Branch, ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang tanggapan.

Sa ulat ni C/Insp. Johnny Gaspar, hepe ng Gandara-Police Community Precinct, nabawi nila sa mga suspect ang magkahiwalay na bag na naglalaman ng P500 bills.

 Sinabi ni Gaspar na si Bgy. Chairman Johnny Que ang tumawag sa kanila upang respondehan ang ko­mosyon  dakong 3:45 ng hapon  sa tulay ng Gandara sa pagitan ng Soler at Ongpin Sts. at nalaman nila na tinutukan at pinalo ng baril ng dalawang beses si Lamanilao bago inagaw ang dalang bag ng riding in tan­dem at may plakang ‘for registration’, habang naglalakad pabalik ng opisina.

 Agad na kinuyog umano ng taumbayan  sina Moldes at Amusco at ikinanta nila ang kinaroroonan ng mga tumakas na kasamahan.

Sa follow-up operation sa bahagi ng Sta Mesa, Maynila, naaresto naman sina Desolong, at Poma­regos, kapwa empleyado ng Centenial Security Agency.

Habang iniimbestigahan umamin ang mga ito na kasabawat nila si Germinio, ang OIC ng security personnel ng Metro Bank-China Plaza Branch.

Isinailalim sa inquest proceedings ang mga suspect sa kasong robbery dala ang mga narekober na ebidensiyang P1-milyon, isang motorsiklo, isang 38 kalibreng pistola, 5 live ammunitions, 1 toy gun na replica ng Beretta­ pistol, isang  Nokia cellphone at mga dokumento at ID ng biktima na nasa loob ng bag.   

BINONDO

CENTENIAL SECURITY AGENCY

CHAIRMAN JOHNNY QUE

CHINA PLAZA BRANCH

ELMER AMUSCO

GANDARA-POLICE COMMUNITY PRECINCT

SHY

STA MESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with