^

Metro

3 Chinese timbog sa P35-M shabu

-

MANILA, Philippines - Tatlong big time Chinese drug dealer na hinihinalang miyembro ng international drug ring ang nasakote ng mga operatiba ng Regional Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Force (RAID-SOTF) matapos masamsaman ng 8.5 kilo ng shabu sa drug-bust operation sa Parañaque City nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Long Zong alyas Sonny Long; Chan Pon Lou at Cheung Leung.

Dakong alas-6:30 ng gabi ng magsagawa ng drug-bust operation ang RAID-SOTF sa parking lot ng isang drug store malapit sa panulukan ng Doña Soledad Avenue at Russia St., Brgy. Don Bosco­, Parañaque City.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa illegal na aktibidades ng mga suspect na aktibong nagbebenta ng illegal na droga partikular na ang shabu.

Agad na pumoste ang mga operatiba at ng kumagat sa deal ang mga suspect ay agad nagsagawa ng drug bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang 8.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P35 milyon, Toyota Camry (XNS -453) at Toyota Fortuner (ZLU-663) na gamit ng mga suspect sa kanilang illegal na pagtutulak ng droga.

CHAN PON LOU

CHEUNG LEUNG

DON BOSCO

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

LONG ZONG

RUSSIA ST.

SOLEDAD AVENUE

SONNY LONG

TOYOTA CAMRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with