^

Metro

8,000 paslit nabigyan ng anti-polio vaccine sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 8,000 bata na nasa edad lima pa­baba ang nabigyan ng oral inoculation panlaban sa polio ng Bureau of Jail Management and Penology bilang pag­­talima sa programa ng Department of Health (DOH) sa lungsod Quezon. Ayon kay BJMP director Rosendo Dial, layunin ng programa na masugpo ang kaso ng mga batang nagkakasakit ng polio sa pamamagitan ng programang supplemental polio immunization. Ginawa ang naturang programa sa Brgy. Tatalon sa lungsod Quezon.

Bukod sa BJMP, katuwang din ng DOH ang Rotary International District 3780 sa lungsod. Ayon kay Dial, hindi lamang sa kulungan nakatuon ang pansin ng kanilang kagawaran kundi sa iba pang lugar na kailangan ang kanilang suporta para sa ikauunlad ng isang lugar. Ayon sa DoH simula ng taong 2000 ay walang naitalang kaso ng Polio sa bansa kaya ang polio immunization drive ang patuloy na kailangan para ma­iwasan ang pagbabalik ng na­turang sakit.

AYON

BRGY

BUKOD

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DEPARTMENT OF HEALTH

GINAWA

QUEZON

ROSENDO DIAL

ROTARY INTERNATIONAL DISTRICT

TATALON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with