^

Metro

2 miyembro ng 'Estribo gang', timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawa sa tatlong miyembro ng Estribo gang ilang minuto makaraang holdapin ng mga ito ang isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga suspect na sina Danny Danganan, 21, at Mark Dela Cruz, 19; kapwa residente sa lungsod.

Ayon sa pulisya, ang mga suspect ay nadakip ng mga rumes­pondeng barangay tanod ng Gulod Novaliches makaraang humingi ng tulong ang biktimang si Aldrin Esposa, 22, hair stylist. Nangyari ang insidente sa may harap ng Villaflor village, Quirino Highway, ganap na alas-12 ng hatinggabi kahapon.

Sakay umano ang biktima kabilang ang mga suspect na nagkunwaring pasahero sa isang jeep at pagsapit sa naturang lugar ay agad na nagbunot ng patalim ang mga huli sabay tutok sa biktima at nagdeklara ng holdap. Nang makuha ang bag ng biktima na naglalaman ng Nokia­ 5210 at Nokia 1100, saka Sony PSP ay saka nagsipagbabaan ang mga suspect para tumakas.Agad namang nakaresponde ang mga tanod at nadakip ang dalawa sa mga ito.

vuukle comment

ALDRIN ESPOSA

ARESTADO

AYON

DANNY DANGANAN

ESTRIBO

GULOD NOVALICHES

MARK DELA CRUZ

NOKIA

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with