^

Metro

Killer ng political adviser ni Mayor Abalos, tukoy na

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tukoy na ng pulisya ang pangunahing suspek na sinasabing responsable sa pagbaril at pagpatay sa political adviser ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na si Jun Torres.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Francisco Manalo, nakilala ang suspek dahil na rin sa impormasyon na ibinigay sa kanila ng dalawang testigo sa krimen.

Bunsod nito ay nagsa­gawa ngayon ng manhunt ope­ra­tion ang Task Force Torres na binubuo ng apat na crack team para sa agarang ikada­rakip ng salarin.

Gayunman, tumanggi si Manalo na ibigay ang pagka­kakilanlan ng suspek at ang detalye ng isinasagawang follow-up operation upang hindi ‘masunog’ ang kanilang mga lakad.

Naniniwala si Manalo na hindi magtatagal ay mada­rakip nila ang gunman sa “little mayor” ng Mandaluyong na si Torres.

Ayon naman kay Mayor Abalos, hanggang ngayon ay wala pa siyang nahahanap na kapalit si Torres bilang kanyang political adviser.

Magugunitang si Torres  ay malapitang binaril ng dalawang beses sa ulo ng isa sa dalawang suspek na naka-motorsiklo habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner sa Barangka Drive, Barangka Village, Mandaluyong City noong Pebrero 4 ng gabi.

AYON

BARANGKA VILLAGE

CHIEF SUPT

EASTERN POLICE DISTRICT

FRANCISCO MANALO

JUN TORRES

MANALO

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

MAYOR ABALOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with