^

Metro

Oil companies nagtaas ng P.50 sa petrolyo

-

MANILA, Philippines - Muli na namang nagpatupad ng pagtataas ang mga dambuhalang kompanya ng langis makaraang itaas ng P.50 kada litro ang presyo ng kanilang mga produktong petrolyo umpisa kahapon ng hatinggabi. Dakong alas-12:01 ng madaling araw nang pa­ngunahan ng Filipinas Shell ang pagtataas ng P.50 kada litro sa mga pro­dukto nila ng regular, premium, unleadead na gasolina, diesel at kerosene. Sumunod naman ang dalawa pang miyembro ng Big 3 na Petron Corporation at Chevron Philippines dakong alas-6 ng umaga sa kahalintulad na presyo at sa nabanggit rin na mga produkto. Pinakahuling nagtaas ng presyo ang mga kompanya ng langis nitong nakaraang Pebrero 8 na nagkakahalaga ng P.75 kada litro ng gasolina at diesel at P1 kada litro ng kerosene. Ikinatwiran ng mga kompanya ng langis ang mataas pa ring contract price ng krudo sa internasyunal na merkado na hindi pa rin nagbababa dahil sa patuloy na nararanasan na krisis sa mga bansa sa Gitnang Silangan. (Danilo Garcia)

CHEVRON PHILIPPINES

DAKONG

DANILO GARCIA

FILIPINAS SHELL

GITNANG SILANGAN

IKINATWIRAN

MULI

PEBRERO

PETRON CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with