^

Metro

31 lady bus drivers, bibiyahe na

-

MANILA, Philippines - Magsisimula nang su­ma­bak sa pamamasada sa mapanganib na mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang may 31 lady drivers na buhat sa unang batch ng mga nagtapos sa pagsasanay sa pagmamaneho sa ilalim ng MMDA at TESDA.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na mag­tatapos na ngayong linggo sa kanilang training at seminar ang mga babaeng drivers at mag-uumpisa nang magtrabaho ang mga ito sa mga akreditong kompanya ng bus sa unang linggo ng Marso.

Ngunit inamin ni Tolen­tino na maaaring ma­ging “underpaid” ang mga babaeng drivers dahil sa pi­na­iiral na sistema ng pagpapasuweldo ng mga kompanya ng bus na karamihan ay nagpapatupad ng “quota system”.

Sinabi ni Tolentino na “overqualified” ang ilan sa mga lady drivers na mga registered nurses at may electrical engineer pa. Ma­rami naman sa mga ito ang nakapagtrabaho nang bus drivers at may hawak na foreign licenses sa Ku­­wait, Bahrain at Saudi Arabia.

Nais lamang umano ng mga ito na sa Pili­pinas na maghanapbuhay upang hindi na malayo sa kanilang pamilya. (Danilo Garcia)

BAHRAIN

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DANILO GARCIA

KU

MAGSISIMULA

METRO MANILA

SAUDI ARABIA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with