Resto bar ipinasara
MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng patung-patong na paglabag, tuluyan nang ipinasara ni Manila Mayor Alfredo Lim ang isang resto bar sa Sampaloc, Maynila.
Agad na pinadlock ni Supt. Jemar Modequillo ang U Jam Restaurant sa no. 816 Moret St. Sampaloc Maynila, na pagmamay-ari ni Maricon Fontelar, matapos na madiskubreng lumabag ito sa regulasyon ng city hall.
Kabilang sa mga paglabag ay ang hindi pagdedeklara ng reclassification ng business permit nito mula sa 2nd class restaurant with liquor na naging 1st class restraurant with liquor, ang kawalan ng occupational permit ng may 14 na tauhan nito, walang Fire Safety Inspection Certificate, Sanitary Permit, Certificate of Electrical Inspection at ang kawalan ng Barangay Clearance.
Batay sa closure order na inisyu ni Secretary to the Mayor Atty. Rafaelito Ga rayblas, binabalewala ng may-ari ng naturang establisimyento ang notice na ipinadadala ng city hall upang ayusin ang kanilang papeles.
Napag-alaman na maraming residente din ang nagrereklamo dahil na rin sa ingay at polusyong dulot nito sa komunidad.
Sinabi pa ni Garayblas na mahigpit ang city hall sa pag-iisyu ng mga permit dahil kailangang nasa tamang proseso ang mga ito at hindi nakaabala sa publiko.
- Latest
- Trending