^

Metro

Probe vs computer shop sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines –  Inutos ni Manila Mayor Alfredo­ Lim ang pag-imbestiga sa paglipana ng mga computer shop sa lungsod na nagiging dahilan ng pagdami ng out-of-school youth.

Sa ginanap na “People’s Day”, inatasan ni Lim ang Manila Social Welfare Department at ang Bureau of Permits upang alamin kung sumu­sunod sa patakaran ang mga may-ari ng computer shop.

Ayon kay Lim, hindi dapat na maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante ng paglalaro ng mga computer games.

Sinabi ni Lim na kanyang inutos ang beripikasyon kung ang mga computer shop ay sumusunod sa layo nito sa mga paaralan at kung tuma­tanggap ang mga ito ng estudyante sa oras ng klase.

Nabatid sa ilang magulang na kadalasang nagpapalit ng damit ang mga estudyante upang makapasok sa mga computer shop.

Anila, dapat na ipatupad ng mga may-ari ng computer shop ang mahigpit na regulasyon at beripikasyon kung saan bawal maglaro sa oras ng klase.

ANILA

AYON

BUREAU OF PERMITS

COMPUTER

INUTOS

MANILA MAYOR ALFREDO

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with