^

Metro

Bomb threat sa Manila City Hall

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines –  Bigo ang mga “frank caller” na bulabugin ang mga dumalo sa “People’s Day” ni Manila Mayor Alfredo Lim sa Bulwagan ng Katarungan matapos na balewalain lamang ang itinawag nitong sasabog na bomba.

Alas-10 ng umaga kahapon nang matanggap ni Dolores Vila, 31, ang isang tawag na mula sa isang lalaki na nag­sabing dapat nang palabasin ang mga empeyado at sibilyan na nasa gusali dahil may sa­sabog na bomba.

Inanunsiyo naman ni Lim sa People’s Day ang bomb threat kasabay ng pahayag na “may bomb threat, kung sino ang natatakot ay maaari nang lumabas, ako’y maiiwan dito.”

Subalit tila walang epekto ang tawag dahil tuluy-tuloy pa rin ang paghingi ng tulong ng mga residente at barangay officials­ sa alkalde.

Sa kabila nito, sinabi ni Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng Manila City Hall Detach­ment, tumawag pa rin sila sa Manila Police District-Explosive and Ordnance Division (MPD-EOD), para beripikahin ang tawag na nagnegatibo naman sa bomba sa isinagawang ins­peksyon.

BIGO

BULWAGAN

CHIEF INSP

DOLORES VILA

INANUNSIYO

MANILA CITY HALL DETACH

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT-EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

MARCELO REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with